Cebu Gov.-elect Pam Baricuatro, nanumpa bilang miyembro ng PDP-Laban

Cebu Gov.-elect Pam Baricuatro, nanumpa bilang miyembro ng PDP-Laban

Nanumpa na si Cebu Governor-elect Pam Baricuatro matapos ang kanyang pagkapanalo sa nakaraang May 12, 2025 Midterm Elections. Isinagawa ni Gov. Pam ang kanyang panunumpa sa harap ng mga opisyal ng PDP-Laban na kinabibilangan nina Vice Chair Alfonso Cusi, Coco Naik, Astravel Pimentel-Naik, at mga mamamahayag mula sa IBS Media Group, Pwersa Balita, SMNI, at Euro TV, sa punong-tanggapan ng PDP-Laban sa Sta. Mesa, Maynila.

Si Pam, na kilala bilang “Lumad Probinsyana,” ay lumaki sa Pinamungajan, Cebu. Nagtapos siya ng kursong Political Science at nakapag-aral ng tatlong taon sa law school. Bagama’t hindi niya planong pumasok sa pulitika dahil sa kahirapan at ang tanging sandigan ay ang kanyang pagiging lider ng iba’t ibang organisasyon, napilitang siyang tumakbo bilang gobernador ng lalawigan ng Cebu dahil sa matinding suporta at kagustuhan ng kanyang mga kababayan.

Sa kabila ng pagiging baguhan sa larangan ng pulitika, nilampaso niya ang beteranong politiko at dating gobernador na si Gwen Garcia sa nakalipas na halalan, na may malaking kalamangan. Nagdiwang at nag-piyesta ang kanyang mga taga-suporta sa kanyang pagkakapanalo.

Sa kanyang talumpati sa harap ng kanyang mga kababayan, tiniyak ni Gov. Pam ang isang taos-puso, tapat, at walang halong pag-iimbot na serbisyo, lalo na para sa mga mahihirap na mamamayan ng lalawigan.

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *