PAHAYAG NI SENADOR LITO LAPID SA HOUTHIS ATTACK SA MV ETERNITY SA RED SEA

PAHAYAG NI SENADOR LITO LAPID SA HOUTHIS ATTACK SA MV ETERNITY SA RED SEA

Kaligtasan at walang kundisyon na pagpapalaya sa mga Pinoy na marino ang pangunahing concern ng ating gobyerno sa nangyaring pag-atake ng Houthis sa kanilang barko sa Red Sea, kamakailan.

 

Nararapat po saklolohan ng mga  otoridad mula sa international community ang  mga bihag na crew ng MV Eternity C, isang Greek-owned cargo vessel.

 

Nananawagan po tayo sa mga iba’t ibang ahensya ng ating pamahalaan sa mapayapang negosasyon upang mapalaya ang mga kababayan nating seafarer at makapiling ang mga pamilya nila na labis ang pag-aalala sa ngayon.

 

Ipagdasal din po natin ang kaligtasan ng mga bihag na hawak pa rin ng mga teroristang Houthi.

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *