Ulan sa Ilang Bahagi ng Bansa: Babala ng PAGASA para sa Lunes, Enero 27

Ulan sa Ilang Bahagi ng Bansa: Babala ng PAGASA para sa Lunes, Enero 27

Inaasahang makakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayong Lunes dahil sa tatlong weather systems, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Magkakaroon ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm sa Eastern Visayas dahil sa shear line. Samantala, ang Dinagat Islands, Surigao del Norte, Surigao del Sur, at Davao Oriental ay makakaranas din ng parehong panahon dulot ng easterlies.

Nagbabala ang PAGASA na posibleng magkaroon ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar, na maaaring magdulot ng flash floods o landslides.

Sa kabilang banda, magdadala ng mahinang ulan ang northeast monsoon o amihan sa Batanes, habang magkakaroon ng isolated light rains sa iba pang bahagi ng Luzon.

Ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng panaka-nakang pag-ulan o thunderstorm dahil sa epekto ng easterlies.

Asahan ang katamtaman hanggang malalakas na hangin at moderate to rough seas sa Northern at Central Luzon. Sa ibang lugar, magiging banayad hanggang katamtaman ang hangin at slight to moderate ang alon sa karagatan.

Dagdag pa ng PAGASA, wala silang namonitor na low pressure area na maaaring maging tropical cyclone sa ngayon.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *