Jannik Sinner Nanalo ng Australian Open Men’s Singles Title, Pangalawang Sunod na Panalo

Jannik Sinner Nanalo ng Australian Open Men’s Singles Title, Pangalawang Sunod na Panalo

Nanalo si Jannik Sinner, ang kasalukuyang No. 1 sa mundo, ng Australian Open men’s singles title noong Linggo, at ito ang kanyang ika-19 na kampeonato sa buong karera.

Sa kanyang pagkapanalo, tinalo ni Sinner si Alexander Zverev ng Germany sa score na 6-3, 7-6, 6-3, upang makuha ang kanyang ikalawang sunod na titulo sa Australian Open.

Si Sinner ay naging kauna-unahang Italian na manalo ng tatlong Grand Slam singles titles. Sa edad na 23, siya ang pinakamyoung manlalaro na nakapagtanggol ng titulo sa Australian Open mula noong 1993 nang gawin ito ni Jim Courier.

Ang kanyang makinis na performance sa finals ay nagbigay daan sa kanya upang maging unang lalaki mula kay Rafael Nadal sa Roland Garros noong 2006 na magdepensa ng unang Grand Slam title. Bukod dito, nakamit niya ang isang hindi pa naabot na milestone — siya ang unang manlalaro mula noong 1973 na nakapagtala ng 10 sunod-sunod na panalo sa straight sets laban sa mga top-10 na kalaban.

Si Zverev, 27-taong-gulang mula sa Germany, ay mayroong 23 career titles ngunit wala pang napanalunang Grand Slam.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *