Magkakaroon ng mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong araw, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa abiso ng PAGASA kaninang alas-4 ng umaga, ang northeast monsoon o amihan ang magdadala ng pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, at Quezon.

Samantala, dahil sa easterlies, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mga probinsya ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Dinagat Islands, at Davao Oriental. Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ng flash floods o pagguho ng lupa ang katamtaman hanggang malakas na ulan sa mga lugar na ito.

Sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon, bahagyang pag-ulan dulot ng amihan ang inaasahan, habang ang natitirang bahagi ng bansa ay magkakaroon ng pulu-pulong pag-ulan o thunderstorm na dulot ng easterlies.

Kondisyon ng Hangin at Karagatan
Magiging katamtaman hanggang malakas ang hangin at katamtaman hanggang maalon ang karagatan sa Hilagang Luzon. Sa ibang bahagi ng bansa, asahan ang banayad hanggang katamtamang hangin at kaunti hanggang katamtamang pag-alon ng dagat.

Walang Bagyong Binabantayan
Walang namamataang low-pressure area o posibilidad ng pagbuo ng bagyo sa ngayon, ayon sa PAGASA.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *