Taylor Swift Vienna Concert Kanselado Matapos Masugpo ng Pulisya ang Umano’y Planong Pag-atake

Taylor Swift Vienna Concert Kanselado Matapos Masugpo ng Pulisya ang Umano’y Planong Pag-atake

Sa isang ulat, dalawang indibidwal ang naaresto ng mga lokal na awtoridad matapos umanong magplano ng isang pag-atake sa Ernst Happel Stadium, kung saan nakatakdang maganap ang konsiyerto ni Taylor Swift.

Ayon kay Morgan Stevens, Vice President ng Intelligence Operations sa Crisis24 Private Strategic Group, ang kanselasyon ng konsiyerto ay dahil sa mga pangyayaring ito. Sa isang panayam sa Us Weekly, nagbigay si Stevens ng detalyadong paliwanag tungkol sa sitwasyon.

Sinabi ni Stevens, “Ang mga malalaking konsiyerto tulad ng kay Taylor Swift ay dinadagsa ng sampu-sampung libong mga tagahanga, na nagiging pangunahing target para sa mga potensyal na umaatake na nais magdulot ng malaking epekto, atensyon, at pinsala.”

Idinagdag pa niya, “Inaasa ng lahat na ang mga konsiyerto sa Vienna ay makakapagtipon ng humigit-kumulang 70,000 na tagahanga bawat gabi, at may inaasahang 10,000 hanggang 20,000 pang tao sa labas ng arena.”

Binigyang-diin din ng eksperto na, “Ang mga mataas na profile na mga kaganapan, partikular na ang kilalang Eras Tour, ay nakatanggap ng malawakang media coverage, na maaaring magpalaki ng visibility ng isang pag-atake.”

Ipinaliwanag pa niya, “Habang mas lumalaki ang isang kaganapan, mas nagiging mahirap ang pagpapanatili ng seguridad. Ang pagsiguro sa kaligtasan ng mga dumalo, pati na ang mga artista at staff, ay nangangailangan ng pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng seguridad na may magkakaibang layunin at prayoridad.”

Bago magtapos, sinabi ni Stevens na, “Ito ay maaaring magdulot ng mga miscommunication at magdagdag sa posibilidad ng mga pagkukulang o lapses sa seguridad.”

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:
Facebook
YouTube
X (Twitter)
TikTok
Instagram
Threads

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *