PRISAA 2025 National Games, Nagsimula na sa Cagayan; 19 Gold Medals, Nakalatag sa Unang Araw ng Atletiks

PRISAA 2025 National Games, Nagsimula na sa Cagayan; 19 Gold Medals, Nakalatag sa Unang Araw ng Atletiks

Pormal nang sinimulan ngayong Lunes sa Cagayan Sports Complex ang 2025 PRISAA National Games, kung saan 19 gintong medalya ang nakataya sa unang araw ng kumpetisyon sa atletiks.

Sa umaga pa lamang, agad na sasalang ang mga atleta sa mga sumusunod na events: men’s 5,000 meters, women’s shot put, men’s long jump, boys’ 5,000 meters, girls’ shot put, at boys’ long jump.

Sa hapon naman, tuloy-tuloy ang laban sa men’s shot put, women’s long jump, women’s 100m hurdles, girls’ 100m hurdles, men’s 110m hurdles, boys’ 110m hurdles, girls’ 400m, boys’ 400m, women’s 400m, men’s 400m, boys’ shot put, girls’ long jump, at women’s 5,000m.

Kasabay ng mga track and field events, inaasahan ding uumpisahan ang mga laban sa 3×3 basketball, softball, boys’ at men’s tennis, at swimming.

Lalahok rin ngayong araw ang mga atleta mula sa iba’t ibang larangan kabilang ang archery, badminton, baseball, basketball (5×5), beach volleyball, boxing, chess, dancesport, football, gymnastics, karatedo, sepak takraw, table tennis, taekwondo, lawn tennis, indoor volleyball, at weightlifting.

Itinampok naman noong Sabado sa opening ceremony ang makasaysayang torch relay na pinangunahan ni Lerma Elmira Bulauitan-Gabito, isang Cagayan native at two-time Olympic long jumper. Si PRISAA national president Ester Susan Perez-Mari mula sa Region 2 (Cagayan Valley) ang siyang nagsindi ng ceremonial urn bilang hudyat ng opisyal na pagsisimula ng palaro.

Tinatayang higit 8,000 atleta, coaches, at officials mula sa 17 rehiyon ang kalahok sa taunang palaro. Layunin ng PRISAA National Games ang pagsulong ng inclusive grassroots sports development at paghahanda ng mga atleta bilang susunod na kinatawan ng bansa sa Olympics.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *