Mariing kinondena ng mga dating rebelde ang mga karahasan ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at nagpahayag ng kanilang kahandaang makipagtulungan sa pamahalaan upang makamit ang kapayapaan.

Sa isang dalawang-pahinang manifesto na pinamagatang “Panawagan para sa Pagkakaisa, Kaunlaran, at Sama-samang Pagbangon,” ipinahayag ng mga dating rebelde ang kanilang desisyon na isantabi ang armadong pakikibaka. Ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na siyang naglabas ng pahayag noong Biyernes, ito’y hakbang ng mga dating rebelde na sumusuporta sa mapayapang pakikibaka.

“Hindi nangangahulugang tinalikuran na namin ang aming mga prinsipyo ang pagtalikod sa armadong pakikibaka. Hindi namin tinatalikuran ang laban para sa hustisya sa lipunan. Bagkus, niyayakap namin ang bagong paraan ng pakikibaka na naaayon sa batas at sa pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan,” saad sa manifesto.

Ang manifesto ay nilagdaan sa La Breza Hotel sa Quezon City sa pagtatapos ng National Peace Advocate Summit 2024.

“Ano mang pahayag mula sa mga dumaan sa landas ng tunggalian, ngunit ngayon ay nagtataguyod ng bagong direksyon para sa kanilang sarili at para sa mga susunod na henerasyon, ay makapangyarihang mensahe,” pahayag ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr.

Ang naturang dokumento rin ay magsisilbing gabay para sa anti-insurgency body sa pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba na sumusuporta sa reintegration ng mga dating rebelde.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *