Niyanig ng malakas na lindol ang Sarangani, Davao Occidental nitong Martes ng gabi, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa bulletin na inilabas bandang 10:07 ng gabi, sinabi ng Phivolcs na tumama ang magnitude 6.3 na lindol dakong 6:17 p.m. sa layong 291 kilometro timog-silangan ng Sarangani Island.
May lalim itong 122 kilometro at itinuturing na tectonic ang pinagmulan, na karaniwang dulot ng paggalaw ng mga fault line sa ilalim ng lupa.
Mga Lugar na Naka-Ramdam ng Pagyanig
Naitala ang mga sumusunod na Intensity Levels:
-
Intensity III sa Malungon, Sarangani at General Santos City
-
Intensity II sa Tupi at Lungsod ng Koronadal sa South Cotabato, gayundin sa Kiamba, Sarangani
-
Intensity I naman sa Maitum at Malapatan sa Sarangani at Palimbang sa Sultan Kudarat
Bagama’t walang inaasahang pinsala ang lindol, posible pa rin ang mga aftershocks, babala ng Phivolcs.
Patuloy ang paalala ng ahensya sa publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga patnubay ng lokal na pamahalaan at disaster response agencies upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

