Nakatakdang manumpa si Cavite Governor Jonvic Remulla bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa harap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa darating na Martes ng umaga, ayon kay Communications Secretary Cesar Chavez.

Papapalitan ni Remulla si Interior Secretary Benhur Abalos na tatakbo bilang senador sa 2025 midterm elections. Nagsilbi si Remulla bilang gobernador ng Cavite mula 2019, at una na rin niyang hinawakan ang posisyon mula 2010 hanggang 2016. Bukod dito, naglingkod din siya bilang bise-gobernador at miyembro ng Cavite Provincial Board.

Ang kanyang kapatid na si Jesus Crispin Remulla ay kasalukuyang kalihim ng Department of Justice (DOJ).


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *