Ilang Bahagi ng Bansa, Makakaranas pa rin ng Pag-ulan Dulot ng ITCZ at Easterlies — PAGASA

Ilang Bahagi ng Bansa, Makakaranas pa rin ng Pag-ulan Dulot ng ITCZ at Easterlies — PAGASA

Patuloy ang banta ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog sa ilang bahagi ng bansa dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies, ayon sa ulat ng PAGASA nitong Huwebes ng umaga.

Sa inilabas na 4 a.m. bulletin ng ahensya, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang ITCZ na nakakaapekto sa katimugang bahagi ng Mindanao ay magdadala ng pag-ulan sa mga sumusunod na lugar:

  • Davao Region

  • Soccsksargen

  • Surigao del Sur

  • Zamboanga del Sur

  • Zamboanga Sibugay

  • Basilan

  • Sulu

  • Tawi-Tawi

Sa bahagi naman ng Luzon, ang easterlies ang magiging dahilan ng kalat-kalat na ulan at thunderstorm sa mga probinsya ng Aurora at Quezon.

Babala ng PAGASA, ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa mga nasabing lugar ay maaaring magdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa, kaya’t pinapayuhan ang mga residente na mag-ingat.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa, asahan pa rin ang panaka-nakang ulan bunsod ng umiiral na easterlies.

Samantala, isang Low Pressure Area (LPA) ang namataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), 360 kilometro sa kanluran ng Bacnotan, La Union ngayong 3 a.m. Ngunit ayon sa PAGASA, mababa ang tsansa nitong maging ganap na bagyo sa susunod na 24 oras.

Sa kabuuan, mararanasan pa rin sa buong bansa ang bahagya hanggang katamtamang lakas ng hangin at banayad hanggang katamtamang pag-alon sa mga karagatan.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman — kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts:
🔗 Facebook
📺 YouTube
🐦 X (Twitter)
🎵 TikTok
📸 Instagram
🧵 Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *