“Huling Araw ng Botohan sa U.S. Election 2024: Mga Istasyon ng Botohan sa Indiana at Kentucky Magsasara na”

“Huling Araw ng Botohan sa U.S. Election 2024: Mga Istasyon ng Botohan sa Indiana at Kentucky Magsasara na”

Nagsimula nang magsara ang ilang istasyon ng botohan sa Indiana at Kentucky nitong Martes para sa 2024 U.S. Presidential Election, matapos ang mahigit isang taong mainit na kampanya sa pagitan nina Trump at Harris.

Sa ilang lugar ng Indiana at Kentucky, nagsara ang mga istasyon ng botohan alas-6 ng gabi (EST) o 11:00 PM GMT, habang ang iba pang bahagi ng mga estado sa Central Time ay magsasara isang oras pagkatapos nito. Sumusunod dito ang pagsasara ng mga botohan sa Georgia, South Carolina, Vermont, Virginia, at bahagi ng Florida at New Hampshire alas-7 ng gabi (2400 GMT).

Magpapatuloy ang pagsasara sa iba’t ibang oras, at ang huling mga istasyon ay magsasara sa Hawaii bandang alas-12 ng hatinggabi (0500 GMT), kasunod ang Alaska alas-1 ng umaga (0600 GMT). Sini-siguro ng patakaran na kahit sino mang nasa linya sa oras ng pagsasara ay makakaboto basta’t mananatili sila sa linya, na nagiging dahilan kung bakit ang ilan sa mga istasyon ay magsasara nang mas huli sa itinakdang oras.

Ayon sa University of Florida’s Election Lab, halos 86 milyon ang bumoto nang maaga, mas mababa sa mahigit 101 milyon noong 2020. Base sa huling datos nitong Lunes, dikit ang laban nina Trump at Harris, kung saan bahagyang nangunguna si Harris ng +0.1% na may 48.7%, habang si Trump ay may 48.6%.

Mga Swing State na Makakaapekto sa Laban

Bagamat dikit ang suporta sa buong bansa, pitong estado ang itinuturing na “battleground states” na magpapasya sa resulta: Arizona, Georgia, Michigan, Nevada, Pennsylvania, North Carolina, at Wisconsin. Dikit ang laban sa mga estadong ito at nasa loob ng margin of error ng mga survey.

May kalamangan si Trump sa Arizona (+2.8%), Georgia (+1.3%), North Carolina (+1.2%), Nevada (+0.6%), at Pennsylvania (+0.4%), habang si Harris naman ang may kalamangan sa Michigan (+0.5%) at Wisconsin (+0.4%). Sa sobrang dikit ng laban, hindi inaasahang magkakaroon agad ng deklarasyon ng panalo mula sa malalaking media networks ngayong gabi ng Martes.

Sa Estados Unidos, ang eleksyon ay dumadaan sa Electoral College, kung saan 538 na kinatawan ang bumoboto batay sa resulta ng kanilang estado. Upang manalo, kailangan ng 270 na boto ng Electoral College, na karamihan ay binibigay sa kandidato na may pinakamaraming boto sa estado, maliban sa Nebraska at Maine na may natatanging paraan ng pagkalkula batay sa resulta kada congressional district.

Laban Para sa Kontrol sa Kongreso

Bukod sa pagkapangulo, ang mga boto ay magdedesisyon rin sa komposisyon ng bagong US Congress. Sa Senado, 34 na posisyon ang nakasalang, at apat na karera ang itinuturing na dikit, partikular sa Michigan, Ohio, Pennsylvania, at Wisconsin na hawak ng mga Demokratiko. May kaunting bentaha ang Republicans sa pagkontrol ng Senado, subalit ang mananalo ay kakaharapin ang mahigpit na laban sa bawat desisyon.

Lahat ng 435 na posisyon sa House of Representatives ay rin iniha-halal, na tila magiging pantay-pantay rin ang laban sa pagitan ng Republicans at Democrats. Sa estado at lokal na antas, magdedesisyon ang mga botante sa iba’t ibang inisyatiba mula sa school boards hanggang state-level ballot measures. Labing-isang posisyon sa pagka-gobernador ang kabilang sa halalan.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *