Tiniyak ng Government Service Insurance System (GSIS) nitong Biyernes na nananatiling ligtas ang personal na impormasyon ng kanilang mga empleyado, miyembro, at mga pensioner matapos ang isang naulat na security incident na kinasasangkutan ng na-kompromisong administrator account sa isang test computer.
“Ipinapangako namin sa aming mga empleyado, miyembro, at mga pensioner na ang proteksyon ng kanilang impormasyon ang aming pangunahing prayoridad. Ipinapatupad ng GSIS ang kinakailangang mga hakbang upang maprotektahan ang aming mga sistema at impormasyon,” ayon sa pahayag ng ahensya ng pensyon ng mga kawani ng gobyerno.
Ayon sa GSIS, naiulat ang breach noong Huwebes at kasalukuyang iniimbestigahan upang matukoy ang lawak ng insidente.
“Ang apektadong computer ay isang test computer at naglalaman lamang ng mga dummy data para sa mga pagsusuri,” saad pa sa pahayag.
Sinisiyasat ngayon ng GSIS ang mga pahayag ng nanghimasok bilang pagsunod sa Data Privacy Act, at patuloy na nagpapatupad ng mga hakbang upang masigurong ligtas ang kanilang mga sistema at impormasyon.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts:
https://www.facebook.com/PwersaBalita/
www.youtube.com/@pwersabalita
https://x.com/PwersaBalita
https://www.tiktok.com/@pwersabalita
https://www.instagram.com/pwersabalita/
https://www.threads.net/@pwersabalita

