Kinumpirma ng personal na opisina ni dating US President Joe Biden na siya ay na-diagnose ng malalang anyo ng prostate cancer na kumalat na sa kanyang mga buto. Ang pahayag ay inilabas nitong Linggo at kinumpirma ng ilang ulat.
Ayon sa opisyal na pahayag, “Noong nakaraang linggo, isinailalim si dating Pangulong Joe Biden sa pagsusuri matapos makitaan ng bagong bukol sa prostate bunsod ng paglala ng kanyang mga sintomas sa pag-ihi.”
Noong Biyernes, nakumpirma ang sakit na may Gleason score na 9—isang indikasyon ng agresibong cancer—at may metastasis o pagkalat na sa mga buto.
Bagama’t ito ay isang mas agresibong uri ng prostate cancer, sinabi ng kanyang opisina na ang uri ng cancer ay hormone-sensitive o tumutugon sa hormonal treatment, kaya’t may posibilidad itong mapamahalaan nang epektibo.
Sa ngayon, si Biden, na 82 taong gulang, kasama ang kanyang pamilya ay kasalukuyang kumukonsulta sa kanyang mga doktor upang pag-usapan ang mga posibleng opsyon sa paggamot.
Matatandaang si Joe Biden ay nanilbihan bilang Pangulo ng Estados Unidos mula taong 2021 hanggang 2025.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts
🔗 Facebook
🔗 YouTube
🔗 X (Twitter)
🔗 TikTok
🔗 Instagram
🔗 Threads

