CCC at DENR, Nagtulungan sa Pagsasanay para sa GHG Inventory sa Lokal na Antas

CCC at DENR, Nagtulungan sa Pagsasanay para sa GHG Inventory sa Lokal na Antas

Nakipag-partner ang Climate Change Commission (CCC) sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang palakasin ang kakayahan ng mga regional offices ng DENR sa pagsasagawa ng community-level greenhouse gas (GHG) inventories. Layon ng programang ito na itaguyod ang mas masiglang climate action sa lokal na lebel.

Naging pangunahing resource agency ang CCC sa isinagawang in-person training of trainers na pinamunuan ng DENR para sa mga climate change focal persons nito. Sa buong pagsasanay, nagbigay ang CCC ng teknikal na gabay patungkol sa mga sektor na kinakailangan para sa simpleng GHG Inventory Toolkit na pang-komunidad.

Kasama sa mga aktibidad ang mga workshops kung saan sumabak ang mga kalahok sa hands-on exercises gamit ang proxy data, na nagpakita kung paano maaaring iugnay ang resulta ng GHG inventories sa mga mitigation actions. Ipinakita rin sa mga sesyon ang koneksyon ng GHG inventories sa Local Climate Change Expenditure Tagging (CCET) at Local Climate Change Action Plan (LCCAP), upang matiyak na ang mga lokal na aksyon ay nakahanay sa pambansang layunin ukol sa climate change.

“Ang inisyatibang ito ay nagpapakita ng aming dedikasyon sa pagpapatibay ng kakayahan sa lokal na antas para sa climate action. Napakahalaga ng pagpapalakas sa mga regional climate change focal persons ng DENR upang magampanan ng mga local government units (LGUs) ang tamang pag-iincorporate ng mitigation strategies sa kanilang mga development plans,” ani CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert E.A. Borje sa isang pahayag nitong Miyerkules.

Bilang bahagi ng patuloy na programa ng CCC, magbibigay pa rin sila ng teknikal na tulong kasama ang mga regional offices ng DENR para sa mga LGU sa pagbuo ng mga community-level GHG inventories. Layon ng inisyatiba na tiyaking ang mga lokal na climate action ay batay sa datos, tumutugon sa pangangailangan ng komunidad, at nakaayon sa mga pambansa at pandaigdigang layunin para sa pagmitiga ng climate change.

Ang pagsasanay na ito ay isang hakbang patungo sa pagsuporta sa mga LGU sa kanilang hangaring bawasan ang mga carbon emissions at tugunan ang climate change sa lokal na antas, na makatutulong sa malawakang layunin ng Pilipinas ukol sa climate change.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Facebook: https://www.facebook.com/PwersaBalita
YouTube: www.youtube.com/@pwersabalita
X (Twitter): https://x.com/PwersaBalita
TikTok: https://www.tiktok.com/@pwersabalita
Instagram: https://www.instagram.com/pwersabalita
Threads: https://www.threads.net/@pwersabalita


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *