Apat na Halamang Gamot sa Pilipinas, Kinilala na Bilang Opisyal na Gamot Makaraang Pumasa sa Clinical Trials

Apat na Halamang Gamot sa Pilipinas, Kinilala na Bilang Opisyal na Gamot Makaraang Pumasa sa Clinical Trials

Mula sa pagiging simpleng herbal supplement, apat na halamang gamot sa Pilipinas ang kinilala na bilang opisyal na gamot matapos pumasa sa masusing clinical trials na isinagawa ng National Integrated Research Program on Medicinal Plants – Institute of Herbal Medicine (NIRPROMP–IHM). Pinatunayan ng mga pagsusuri ang bisa at kaligtasan ng mga plant-based formulations na ito.

Sa pangunguna ni Dr. Nelia Maramba, matagumpay na nakabuo ang mga eksperto mula sa NIRPROMP-IHM ng gamot mula sa Ulasimang Bato, na kilala rin bilang pansit-pansitan. Ligtas itong gamitin para sa paggamot ng mataas na uric acid na sanhi ng gout. Ayon sa mga clinical test, ang Ulasimang Bato ay epektibong gamot para sa hyperuricemia (mataas na uric acid sa dugo) nang walang masamang epekto sa katawan.

Sa tulong ng Technology Transfer and Business Development Office (TTBDO) at ng University of the Philippines-Manila, nasimulan na ang transition ng mga scientific innovations na ito sa commercial products.

Bukod sa Ulasimang Bato, tatlo pang halamang gamot ang nakatakdang iproseso para sa commercial production: ang Yerba Buena, na ginagamit bilang pain reliever sa operasyon, dysmenorrhea, panganganak, at circumcision; Ampalaya bilang anti-diabetes; at Tsaang Gubat na nakakatulong upang maibsan ang kabag.

Ayon kay TTBDO Director Dr. Lourdes Marie Tejero, matagal nang pangarap ng mga Pilipino ang magkaroon ng murang gamot mula sa mga halamang gamot.

“Noong 1970s pa lamang ay mayroon nang pangarap na magkaroon ng murang gamot para sa mga Pilipino. Marami tayong mga halamang gamot, at ang hamon ay gawing mga gamot ang mga ito. Isa sa mga kwentong tagumpay ay ang Lagundi na kumita ng higit sa P1 bilyon, at Sambong na kumita ng P17 milyon noong 2018,” aniya.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts https://www.facebook.com/PwersaBalita/. www.youtube.com/@pwersabalita https://x.com/PwersaBalita. https://www.tiktok.com/@pwersabalita https://www.instagram.com/pwersabalita/. https://www.threads.net/@pwersabalita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *