“AFP Modernization: Lakas ng Hukbong Dagat, Tagumpay sa Pagsubaybay ng Karagatan!”

“AFP Modernization: Lakas ng Hukbong Dagat, Tagumpay sa Pagsubaybay ng Karagatan!”

Patuloy na pinalalakas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program ang kakayahan ng militar na magbantay at subaybayan ang mga barko at iba pang sasakyang-pandagat sa karagatan ng Pilipinas.

Sa isang press briefing sa Camp Aguinaldo nitong Martes, sinabi ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, tagapagsalita ng Philippine Navy para sa West Philippine Sea (WPS), na ang modernisasyon ng AFP ay mahalagang bahagi ng kanilang kakayahan sa pag-detect ng “surface tracks o contacts,” kabilang na ang mga ordinaryong barko at submarino.

“Yes, tiyak na bunga ito ng ating modernisasyon. Bagamat hindi ko masabi ang eksaktong petsa kung kailan nagsimula ang kakayahang ito, mahalaga na ngayon ay nakatuon na tayo sa pagsubaybay ng ating exclusive economic zone (EEZ), kasunod ng direktiba ng Pangulo na unahin ang depensa sa panlabas na seguridad,” ani Trinidad.

Ang pahayag ay kaugnay ng pagkakadiskubre ng isang submarinong Ruso sa Occidental Mindoro noong Nobyembre 28, gamit ang intelligence, surveillance, and reconnaissance na teknolohiya ng AFP.

Ayon kay Trinidad, sa buwan ng Nobyembre, naitala ng AFP ang halos 13,000 maritime traffic o barkong dumadaan sa loob ng EEZ ng bansa, kabilang dito ang naturang submarino ng Russia at 58 barko ng People’s Liberation Army Navy at China Coast Guard.

Dagdag pa niya, “Mayroon na tayong mas malakas na kakayahan sa pagsubaybay ng mga surface assets o barko, ngunit patuloy pa ring pinapalakas ang ating underwater warfare capability. Nasa maagang yugto pa lamang ito ng pag-develop.”


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *