Sa paggunita ng bansa sa Ika-83 Araw ng Kagitingan ngayong Miyerkules, matagumpay na naisagawa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang isang routine troop rotation and resupply (RORE) mission sa mga tropang naka-istasyon sa BRP Sierra Madre (LS-57) na nasa Ayungin Shoal, bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Sa opisyal na pahayag ng AFP, isinagawa ang operasyon sa mahigpit na koordinasyon kasama ang Philippine Coast Guard at natapos ito nang walang anumang aberya o insidente.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang AFP ukol sa naturang misyon sa ngayon.

“Sa paggunita natin ng Araw ng Kagitingan, kinikilala at pinararangalan ng AFP ang katapangan at dedikasyon ng ating mga sundalo sa BRP Sierra Madre na patuloy na nagbabantay sa West Philippine Sea bilang pagtatanggol sa ating soberanya, karapatan, at pambansang interes,” ayon sa kanilang pahayag.

Ang Abril 9 resupply mission ay ang ikapitong matagumpay na RORE operation mula pa noong Hulyo ng nakaraang taon na naisagawa nang walang kaguluhan.

Narito ang tala ng mga naunang matagumpay na misyon:
📌 Hulyo 27, 2024
📌 Setyembre 26, 2024
📌 Nobyembre 14, 2024
📌 Disyembre 12, 2024
📌 Enero 24, 2025
📌 Marso 4, 2025

Patuloy itong nagpapakita ng di matitinag na paninindigan ng AFP sa pagbibigay ng tuloy-tuloy na suporta sa mga sundalong naglilingkod sa gitna ng mapanganib at sensitibong seguridad sa West Philippine Sea.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *