17 Pinoy Crew ng Galaxy Leader, Nakalaya Matapos ang 14 Buwang Pagkakabihag sa Yemen

17 Pinoy Crew ng Galaxy Leader, Nakalaya Matapos ang 14 Buwang Pagkakabihag sa Yemen

Matapos ang 14 buwang pagkakabihag ng mga Houthi rebels sa Yemen, nakatakdang makabalik sa bansa ngayong Huwebes ng gabi ang 17 Pilipinong tripulante ng cargo ship na Galaxy Leader.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega, ang mga tripulante ay darating sa Ninoy Aquino International Airport bandang 9:30 ng gabi. Sinagot ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang gastos sa Oman, kabilang ang allowance at ang proseso ng repatriation.

“Ang kagawaran ay masigasig na nagtrabaho upang maibalik agad sila sa Manila upang makapiling muli ang kanilang mga pamilyang matagal nang nagdurusa,” pahayag ng DFA.

Kinumpirma naman ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapalaya sa mga tripulante, kasama ang walong iba pang banyagang tripulante, Huwebes ng umaga.

Pinasalamatan ng DFA ang Sultanate of Oman sa kanilang suporta at tagumpay sa mediation efforts na naging susi sa pagpapalaya ng mga tripulante.

“Ang matagumpay nating pagsisikap sa kabila ng mga hamon ay patunay na epektibo ang mahinahong diplomasya. Ang mga kalalakihan at kababaihan ng Department of Foreign Affairs ay mananatiling tapat sa aming tungkulin na maglingkod sa bayan at sa ating mga kababayan,” ayon pa sa DFA.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *