Inaasahan ang pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw, dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na kasalukuyang nakaaapekto sa Visayas, Mindanao, at Palawan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa kanilang 4:00 a.m. weather bulletin.
Magkakaroon ng kalat-kalat na mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog na maaaring magdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga sumusunod na rehiyon:
-
Zamboanga Peninsula
-
Negros Island Region
-
Kanlurang Visayas
-
Palawan
Samantala, ang natitirang bahagi ng Visayas, Mindanao, at MIMAROPA ay makararanas ng pana-panahong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.
Dahil sa easterlies, asahan din ang panaka-nakang ulan o pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.
Bukod sa ulan, binalaan din ng PAGASA ang publiko ukol sa malalakas na hangin at katamtaman hanggang maalon na karagatan sa Extreme Northern Luzon. Sa ibang bahagi ng bansa, mahina hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang alon ang inaasahan.
Matinding Init: Heat Index Posibleng Umabot ng 46°C
Sa kabila ng inaasahang ulan, mataas pa rin ang heat index o ang init na nararamdaman ng katawan ng tao dahil sa kombinasyon ng aktwal na temperatura at halumigmig.
Narito ang mga lugar na may pinakamataas na heat index ngayong araw:
-
Dagupan City, Pangasinan – 46°C
-
Aparri, Cagayan – 45°C
-
Laoag City, Ilocos Norte
-
Tuguegarao City, Cagayan
-
Sangley Point, Cavite City
-
Masbate City
-
CBSUA-Pili, Camarines Sur – 44°C
-
MMSU, Batac, Ilocos Norte
-
Bacnotan, La Union
-
ISU Echague, Isabela
-
Baler (Radar), Aurora
-
Cubi Point, Olongapo City
-
Tarlac Agricultural University
-
Infanta, Quezon
-
Iloilo City
-
Dumangas, Iloilo – 43°C
-
NAIA
-
Science Garden, Quezon City
-
Sinait, Ilocos Sur
-
Casiguran, Aurora
-
Iba, Zambales
-
San Ildefonso, Bulacan
-
Alabat, Quezon
-
Catbalogan, Western Samar
-
Guiuan, Eastern Samar – 42°C
Babala sa Publiko: Heat Stroke at Heat Exhaustion
Kapag ang heat index ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C, ito ay nasa “danger” level. Maaari itong magdulot ng:
-
Heat cramps
-
Heat exhaustion
-
Heat stroke kung magtatagal sa init at walang sapat na proteksyon.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
🔵 Facebook
🔴 YouTube
🐦 X / Twitter
🎵 TikTok
📸 Instagram
🧵 Threads

