Inaasahang magdadala ng pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ang dalawang weather system, ayon sa PAGASA nitong Lunes.
Ang easterlies ay magdudulot ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog-pagkidlat sa Caraga, Leyte, Southern Leyte, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Samantala, ang northeast monsoon o amihan ay magdadala ng pag-ulan sa Batanes, Cagayan, Isabela, at Aurora.
Nagbabala ang PAGASA na ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa mga nabanggit na lugar ay maaaring magdulot ng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.
Bukod dito, magdadala rin ng mahinang pag-ulan ang amihan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, at iba pang bahagi ng Cagayan Valley.
Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay makakaranas ng pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog na dulot ng easterlies.
Samantala, mararanasan ang malakas hanggang sa matinding bugso ng hangin at maalon hanggang sa napakaalon na karagatan sa Hilagang Luzon. Sa Gitnang Luzon naman, magiging katamtaman hanggang malakas ang hangin na may katamtaman hanggang maalon na karagatan.
Sa iba pang bahagi ng bansa, magiging banayad hanggang katamtaman ang ihip ng hangin na may bahagya hanggang katamtamang pag-alon.
Sa kasalukuyan, ayon sa PAGASA, walang namataang low pressure area na maaaring maging bagyo mula alas-2 ng umaga.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook: https://www.facebook.com/PwersaBalita/ YouTube: www.youtube.com/@pwersabalita X (Twitter): https://x.com/PwersaBalita TikTok: https://www.tiktok.com/@pwersabalita Instagram: https://www.instagram.com/pwersabalita/ Threads: https://www.threads.net/@pwersabalita

