PHP34-Milyon Halaga ng Shabu Nakumpiska sa Mag-asawang Drug Suspects sa Mindoro

PHP34-Milyon Halaga ng Shabu Nakumpiska sa Mag-asawang Drug Suspects sa Mindoro

Tinatayang aabot sa PHP34 milyong halaga ng shabu ang nasamsam mula sa isang mag-asawang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Bongabong, Oriental Mindoro nitong Martes. Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kinilala ang mga suspek na sina Luis Baes, 45, at Lyn Baes, 41, na kabilang sa mga high-value targets ng operasyon.

Naaktuhan ang mag-asawa na nagbebenta ng isang kilo ng shabu na nakabalot sa tea bag sa isang undercover agent sa Sitio Panlanao, Barangay Sagana, bandang 11:05 ng umaga. Bukod sa nabiling droga, nakumpiska rin sa kanila ang karagdagang apat na kilo ng shabu na may standard street value na PHP34 milyon.

Ang mga suspek ay kasalukuyang nakadetine sa PDEA custodial facility at haharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *