Umabot na sa PHP172.1 milyon ang kabuuang halaga ng tulong na naipamahagi ng pambansang pamahalaan at mga lokal na pamahalaan sa mga pamilyang apektado ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Kanlaon, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Biyernes.

Ayon sa pinakahuling situational report ng NDRRMC, nahati ang pondo sa PHP109.9 milyon para sa Central Visayas at PHP62.2 milyon para sa Western Visayas.

Nasa kabuuang 10,032 pamilya ang nakinabang sa nasabing tulong, kung saan 7,551 pamilya ay mula sa Western Visayas at 2,481 pamilya naman sa Central Visayas.

Kabilang sa mga ipinamahaging tulong ay family food packs, hygiene kits, sleeping kits, generator sets, at financial assistance.

Sa kabuuan, naapektuhan ang 12,285 pamilya mula sa 27 barangay sa dalawang rehiyon dahil sa patuloy na aktibidad ng bulkan. Sa kasalukuyan, 3,164 pamilya ang nananatili sa 23 evacuation centers, habang 2,408 pamilya ang tumatanggap ng tulong sa labas ng mga evacuation center.

Samantala, 57 lungsod at bayan ang idineklara nang nasa ilalim ng state of calamity – 32 sa Western Visayas at 25 sa Central Visayas.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *