PH at US Marines, Magkasamang Lalahok sa Kamandag 2024 Military Exercises sa Iba’t Ibang Lalawigan

PH at US Marines, Magkasamang Lalahok sa Kamandag 2024 Military Exercises sa Iba’t Ibang Lalawigan

Muling magsasanib-puwersa ang Philippine Marine Corps (PMC) at United States Marine Corps (USMC) sa taunang pagsasanay militar na tinatawag na “Kamandag” o Kaagapay ng mga Mandirigma Mula sa Dagat, na nakatakdang ganapin mula Mayo 26 hanggang Hunyo 6, 2024.

Layunin ng Kamandag Exercises, na unang inilunsad noong 2016, na palakasin ang ugnayan, kahandaan, at kakayahang magtulungan ng dalawang bansa sa larangan ng depensang rehiyonal at operasyong militar.

Ayon sa abiso ng PMC, ang opisyal na pagbubukas ng Kamandag 2024 ay isasagawa sa Marine Barracks Rudiardo Brown sa Fort Bonifacio, Taguig City. Sa ngayon, wala pang ibinibigay na detalye tungkol sa kabuuang bilang ng mga kalahok na tropa at kagamitan.

Kabilang sa mga pangunahing aktibidad sa ilalim ng Kamandag ay ang mga sumusunod:

  • Chemical, Biological, Radiological, Nuclear, and Explosive (CBRNE) training mula Mayo 27 hanggang Hunyo 5 sa Fort Bonifacio;

  • Maritime at Special Operating Force events sa Naval Station Leovigildo Gantioqui, San Antonio, Zambales at BTPI Firing Range, Morong, Bataan mula Mayo 27 hanggang Hunyo 4;

  • Live-fire integration drills sa Col. Ernesto Rabina Air Base, Capas, Tarlac at maritime strike operation sa Burgos, Ilocos Norte sa parehong araw ng Mayo 29;

  • Counter-landing/defensive retrograde maneuvers sa Camp Bojeador, Burgos at Paredes Air Station, Pasuquin, Ilocos Norte sa parehong petsa;

  • Special operating forces strike simulations mula Mayo 30 hanggang Hunyo 5 sa Culili Point Paoay Sand Dunes at Laoag International Airport sa Ilocos Norte;

  • Humanitarian assistance at disaster relief operations mula Hunyo 2 hanggang Hunyo 4 sa Berung Airfield, Quezon, Palawan.

Layon ng mga pagsasanay na ito na mas lalo pang paigtingin ang kakayahan ng mga sundalo sa pagtugon sa mga banta, sakuna, at iba pang emerhensiya, habang pinapatibay ang alyansa ng dalawang bansa.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman — kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
🌐 https://www.facebook.com/PwersaBalita/
📺 www.youtube.com/@pwersabalita
🐦 https://x.com/PwersaBalita
🎵 https://www.tiktok.com/@pwersabalita
📸 https://www.instagram.com/pwersabalita/
🧵 https://www.threads.net/@pwersabalita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *