PCSO at OCD-BARMM, Nagsagawa ng Relief Operation sa mga Biktima ng Baha sa BARMM

PCSO at OCD-BARMM, Nagsagawa ng Relief Operation sa mga Biktima ng Baha sa BARMM

Sa unti-unting pagbuti ng panahon, agad kumilos ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) katuwang ang Office of Civil Defense sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (OCD-BARMM) para maghatid ng tulong sa mga pamilyang nasalanta ng matinding pagbaha sa rehiyon.

Noong Linggo, isinagawa ang relief operation sa isa sa mga bayan na matinding naapektuhan ng pagbaha, kung saan nagkaloob ng tulong si OCD-BARMM Regional Director Joel Mamon kasama ang dalawang kawani ng PCSO sa mga evacuees na pansamantalang nanunuluyan sa isa sa pitong evacuation centers sa naturang lugar.

Namahagi sila ng tinatawag na “ChariTimba” o charity pail kits, na naglalaman ng bigas, de-latang pagkain, instant noodles, at bottled water.

“Mahigit 2,500 timba ng tulong ang dinala sa bayan gamit ang C-130 aircraft mula Villamor Air Base sa Pasay City,” ayon kay Mamon.

Nakiisa rin ang mga sundalo at tauhan ng OCD sa pagbibitbit ng mga relief goods patungo sa mga apektadong komunidad.

Dagdag pa ni Mamon, inaasahan pang darating ang karagdagang ayuda mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga susunod na araw upang matulungan ang mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
🔵 https://www.facebook.com/PwersaBalita/
🔴 www.youtube.com/@pwersabalita
🐦 https://x.com/PwersaBalita
🎵 https://www.tiktok.com/@pwersabalita
📸 https://www.instagram.com/pwersabalita/
🧵 https://www.threads.net/@pwersabalita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *