Maynila, Pilipinas โ Inanunsyo ni Rafael Jose Consing Jr., Pangulo at CEO ng Maharlika Investment Corp. (MIC), na siya ay nagbigay ng kanyang unqualified courtesy resignation o boluntaryong pagbibitiw sa puwesto bilang tugon sa abisong inilabas ng Governance Commission for GOCCs (GCG) na humihiling ng pagbibitiw ng mga pinuno ng mga government-owned and controlled corporations (GOCCs).
Sa isang mensahe sa Viber ngayong Huwebes, sinabi ni Consing:
“Ako ay naghain ng aking buong pusong pagbibitiw.”
Dagdag pa niya, agad ding tumalima ang buong Board of Directors ng MIC at sabay-sabay na nagsumite ng kanilang resignation matapos matanggap ang memorandum mula sa GCG.
Ang abisong inilabas ng GCG noong Mayo 26 ay nananawagan sa lahat ng itinalagang CEO at mga kasapi ng governing board ng mga state-run companies na magbigay ng kanilang courtesy resignation.
Matatandaang noong Nobyembre 2023 ay itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Consing bilang Pangulo at CEO ng MIC.
Ang Maharlika Investment Corp. ang pangunahing institusyong tagapangasiwa ng Maharlika Investment Fund, na layuning gamitin at paunlarin ang pondo sa pamamagitan ng mga makabuluhang pamumuhunan para sa mataas na balik o kita para sa bansa.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman โ kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts:
๐ต Facebook
๐ด YouTube
๐ฆ X (Twitter)
๐ต TikTok
๐ธ Instagram
๐งต Threads

