MANILA – Patuloy pa ring sasalang sa masusing pagsusuri ang lahat ng miyembro ng Gabinete ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa Malacañang nitong Huwebes, kahit pa may ilang opisyal na nanatili sa puwesto matapos ang isinasagawang “administrative recalibration.”
Sa isang press briefing sa Palasyo, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na ang pagtanggap o pagtanggi ng Pangulo sa mga courtesy resignation ng mga opisyal ay hindi pa pagtatapos ng proseso.
“Nais nating ipabatid, hindi po natatapos sa pagsisilbi ng mga courtesy resignation, sa mga pagtanggap at pagtanggi rito ng Pangulo – may natanggal, may nanatili,” pahayag ni Castro.
Dagdag pa niya, hindi ibig sabihin na ligtas na sa pagbabantay ang mga nanatiling opisyal.
“Sa mga nanatili, nasa kanila pa rin po ang tiwala ng Pangulo ngunit hindi ibig sabihin ay dapat maging kampante.”
Inihayag din ni Castro na magkakaroon ng patuloy na pagsusuri sa performance ng bawat opisyal.
“There will be a continuing performance evaluation. They will always be on notice because they serve at the pleasure of the President,” aniya.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng malawakang muling pagsasaayos ng pamahalaan sa ilalim ng Marcos administration. Habang ang ilang opisyal ay pinanatili sa puwesto, ang iba naman ay pinalitan dahil sa isyu ng performance at kung gaano kaayon ang kanilang trabaho sa mga prayoridad ng Pangulo.
Noong nakaraang linggo, inihayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin na kasama siya sa mga unang opisyal na muling kinumpirma sa puwesto. Ayon kay Bersamin, kasalukuyang isinasagawa ang ikatlong yugto ng “bold reset” kung saan karamihan sa mga miyembro ng Gabinete ay nanatili.
Ngunit giit ni Bersamin, tuloy pa rin ang malawakang pagsusuri, lalo na sa mga opisyal na may ranggong mas mababa sa Gabinete.
“If you are asking for blood, there will still be blood,” pabirong pahayag ni Bersamin.
“We are still undertaking continuing performance evaluations… I assure you that this is a very sweeping and thorough evaluation being made by the President and the panel of his choice.”
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman — kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
📘 https://www.facebook.com/PwersaBalita/
📺 www.youtube.com/@pwersabalita
🐦 https://x.com/PwersaBalita
🎵 https://www.tiktok.com/@pwersabalita
📸 https://www.instagram.com/pwersabalita/
🧵 https://www.threads.net/@pwersabalita
