Mas pinatibay na ang proteksyon sa mga depositong inilalagak sa mga Islamic banks at Islamic banking units (IBUs) matapos ianunsyo ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na saklaw na rin ang mga ito ng deposito insurance ng bansa.
Ayon sa pahayag ng PDIC nitong Miyerkules, ang mga deposito sa mga Islamic banks ay may parehong antas ng proteksyon gaya ng mga deposito sa karaniwang bangko—insured pa rin hanggang ₱1 milyon bawat depositor, bawat bangko.
“The inclusion of Islamic deposits in our insurance coverage ensures that depositors of Islamic banks enjoy the same security and peace of mind,” ayon kay PDIC President at CEO Roberto Tan. “Ito ay isang mahalagang hakbang para mas mapalakas ang tiwala ng publiko sa Islamic banking system.”
Dagdag pa ni Tan, ang desisyong ito ay bahagi ng layunin ng pamahalaan na isulong ang financial inclusion at palakasin ang Islamic banking sa bansa, upang mas maraming indibidwal at negosyo ang mahikayat na mag-impok sa mga bangko.
Batay sa datos noong Disyembre ng nakaraang taon, umabot na sa 12,514 ang bilang ng Islamic deposit accounts sa banking system ng Pilipinas.
Ang mga IB at IBU ay nagbibigay ng mga produktong pinansyal na alinsunod sa Shari’ah Law—isang sistemang nakatuon sa ethical financing, risk-sharing, at socially responsible practices.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman — kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts:
🔵 https://www.facebook.com/PwersaBalita/
🔴 www.youtube.com/@pwersabalita
🐦 https://x.com/PwersaBalita
🎵 https://www.tiktok.com/@pwersabalita
📸 https://www.instagram.com/pwersabalita/
🧵 https://www.threads.net/@pwersabalita

