MANILA — Matagumpay na nasabat ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) ang mahigit ₱33 milyong halaga ng ilegal na droga at naaresto ang 59 na indibidwal na sangkot sa kalakalan ng bawal na gamot nitong buwan ng Mayo.

Sa ulat ngayong Huwebes, inilahad ni PDEG acting chief Brig. Gen. Jason Capoy na kabilang sa nakumpiskang droga ang 2.59 kilo ng shabu, 3 kilo ng tuyong dahon ng marijuana, at 75,000 piraso ng halamang marijuana na may kabuuang tinatayang halaga na ₱33.029 milyon.

Ayon pa kay Capoy, 41 sa mga naaresto ay itinuturing na High-Value Individuals (HVIs), habang 11 ay Street-Level Individuals (SLIs). Nahuli rin ang 5 Other Wanted Persons (OWPs) at 2 Most Wanted Persons (MWPs) sa serye ng mga operasyon.

“Ang mga tagumpay na ito ay bunga ng mahusay na intelligence work at mas pinatibay na ugnayan sa iba’t ibang ahensya,” ani Capoy.

Sa kabuuan, nagsagawa ang PDEG ng 52 operasyon noong Mayo, kabilang ang:

  • 40 buy-bust operations

  • 3 search warrant implementations

  • 2 marijuana eradications

  • 7 warrant of arrest operations

Ito ay patunay ng patuloy na determinasyon ng PNP-PDEG na labanan ang banta ng droga sa bansa.

“Hindi matatawaran ang sakripisyo at dedikasyon ng aming mga operatiba. Patuloy naming paiigtingin ang aming kampanya kontra droga para sa mas ligtas at drug-free na Pilipinas,” dagdag pa ni Capoy.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman — kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
📘 https://www.facebook.com/PwersaBalita/
📺 www.youtube.com/@pwersabalita
🐦 https://x.com/PwersaBalita
🎵 https://www.tiktok.com/@pwersabalita
📸 https://www.instagram.com/pwersabalita/
🧵 https://www.threads.net/@pwersabalita

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *