Inihayag ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na ang kampo ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang umano’y nasa likod ng pagkalat ng viral video kung saan pinipigilan siyang makapasok sa isang gymnasium sa siyudad. Ayon kay Estrada, ang babaeng nakita sa video na nag-viral sa TikTok ay tauhan ni Zamora at sinunod lamang umano ang utos na huwag payagan ang sinumang miyembro ng pamilya Estrada na magbigay ng ayuda sa mga residente ng San Juan.

Sa isang interview ng DWIZ nitong Sabado, direktang tinanong si Estrada kung sino ang kanyang pinaghihinalaang may kinalaman sa pagkalat ng naturang video. Agad na binanggit ng senador ang pangalan ni Mayor Zamora.

“Siyempre, sino pa ba ang magpapakalat ng video na ‘yan,” wika ni Estrada. “Gusto nila akong gibain nang gibain.”

Ikinagulat ng senador ang patuloy na paninira laban sa kanya, lalo na’t wala umano siyang balak na tumakbong alkalde ng San Juan. Dagdag pa niya, maging ang pamilya Ejercito ay walang plano na tumakbo bilang mayor o kongresista ng lungsod.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts: Facebook, YouTube, X, TikTok, Instagram, Threads.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *