Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si beteranong mamamahayag na si Jay Ruiz bilang pansamantalang kalihim ng Presidential Communications Office (PCO), ayon sa kumpirmasyon ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong Martes.
Ayon kay Bersamin, inilabas na ang appointment paper ni Ruiz nitong Lunes.
Na-bypass ang ad interim na pagkakatalaga kay Ruiz bilang kalihim ng PCO matapos magsara ang sesyon ng Commission on Appointments (CA) noong Hunyo 13. Nakatakda sanang pag-usapan ng CA ang kanyang appointment noong Hunyo 3, ngunit hindi ito naipagpatuloy dahil sa kakulangan ng oras.
Kahit hindi pa naaprubahan ng CA, inatasan ni Pangulong Marcos si Ruiz na ipagpatuloy ang kanyang trabaho bilang pinuno ng PCO.
Si Jay Ruiz ang ika-apat na itinalaga bilang pinuno ng PCO sa ilalim ng administrasyong Marcos. Nauna nang nanungkulan si Trixie Cruz-Angeles bilang press secretary, na sinundan ni Cheloy Garafil—na ngayo’y pinuno ng Manila Economic and Cultural Office hanggang Setyembre 2024. Bago rin italaga si Jay Ruiz, si Cesar Chavez ay naitalagang acting secretary ng PCO.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman — kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
🔵 https://www.facebook.com/PwersaBalita/
🔴 www.youtube.com/@pwersabalita
❌ https://x.com/PwersaBalita
🎵 https://www.tiktok.com/@pwersabalita
📸 https://www.instagram.com/pwersabalita/
🧵 https://www.threads.net/@pwersabalita

