Kumpirmado na ang pagtanggal sa puwesto ni Immigration Commissioner Norman Tansingco, ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla. Sa isang ambush interview, sinabi ni Remulla na pumayag na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang rekomendasyon na palitan si Tansingco.
“Oo, okay na ‘yun. Nagkasundo na kami ng Pangulo. Papalitan na siya. Kung ako sa kanya, mag-resign na lang siya,” pahayag ni Remulla.
Sa pagdinig ng Senado nitong Lunes ukol sa mga ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO), tinanong ni Senate Majority Floor Leader Francis Tolentino si Tansingco tungkol sa kanyang posisyon sa Bureau of Immigration (BI). Inamin ni Tansingco na nakatanggap siya ng balita tungkol sa kanyang pagtanggal sa pamamagitan ng media, ngunit wala pa siyang opisyal na abiso.
Isa sa mga ikinadismaya ni Remulla ay ang hindi agarang pagrereport ni Tansingco sa pagtakas ni Alice Guo, isang Chinese fugitive. Napag-alaman ni Tansingco ang insidente noong Agosto 15, ngunit ipinaalam lamang ito kay Remulla noong Agosto 20.
Samantala, kinumpirma ng Malacañang na opisyal nang sinibak si Tansingco mula sa kanyang puwesto. Ayon kay Press Secretary Cesar Chavez, “Inaprubahan na ng Pangulo ang kanyang pagtanggal.”
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:
- https://www.facebook.com/PwersaBalita/
- www.youtube.com/@pwersabalita
- https://x.com/PwersaBalita
- https://www.tiktok.com/@pwersabalita
- https://www.instagram.com/pwersabalita/
- https://www.threads.net/@pwersabalita

