Hindi ipatutupad ng Department of Health (DOH) ang community lockdown o border control kaugnay ng sakit na monkeypox o mpox. Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, hindi rin gagawing mandatory ang pagsusuot ng face mask o face shield laban sa mpox.
“Batay sa aming datos, hindi na kailangan ng border control o community quarantine. Hindi rin namin ipatutupad ang pagsusuot ng face mask o face shield bilang mandato. Ang pinakamabisang paraan upang makaiwas ay ang madalas na paghuhugas ng kamay at pagsunod sa tamang kalinisan,” ani Herbosa.
Dagdag pa ng kalihim, hindi rin nila ipapahayag ang bilang ng mga kaso sa publiko upang maiwasan ang pagkabahala at mga problemang pangkalusugan sa pag-iisip. Sa halip, mas epektibong matutugunan ang sitwasyon sa pamamagitan ng surveillance, case finding, at pakikipagtulungan ng DOH sa mga lokal na awtoridad.
Ibinahagi ni Herbosa ang mga pahayag na ito matapos ang pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) tungkol sa mpox. Bagama’t mayroong community transmission, kontrolado naman ito ng DOH dahil ang mga kaso ng Mpox Clade II ay itinuturing na mild lamang.
Simula noong 2022, wala pang naiuulat na nasawi sa Pilipinas dahil sa mpox. Ang mga naunang siyam na kaso ay nakarekober na, habang ang kasalukuyang 14 na aktibong kaso ay nagpapagaling sa kanilang mga tahanan. Patuloy ang DOH sa kanilang response sa pamamagitan ng testing, contact tracing, at home care upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Ang Mpox Clade II ay hindi airborne at kumakalat lamang sa pamamagitan ng close at intimate contact, skin-to-skin, o sa mga bagay na nahawakan ng pasyente.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:
- https://www.facebook.com/PwersaBalita/
- www.youtube.com/@pwersabalita
- https://x.com/PwersaBalita
- https://www.tiktok.com/@pwersabalita
- https://www.instagram.com/pwersabalita/
- https://www.threads.net/@pwersabalita

