Holiday Traffic Accidents Tumaas ng Higit 30%; DOH, Nagbigay ng Paalala sa Kaligtasan ng Motorista

Holiday Traffic Accidents Tumaas ng Higit 30%; DOH, Nagbigay ng Paalala sa Kaligtasan ng Motorista

Umabot na sa 703 ang kabuuang bilang ng mga holiday-related na aksidente sa kalsada mula Disyembre 22, 2023 hanggang Enero 6, 2024, ayon sa ulat nitong Lunes ng umaga. Nadagdagan ito ng 47 bagong kaso, na 30.6% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sa kabuuang datos, walo ang naitalang nasawi, lima rito ay dulot ng mga aksidente sa motorsiklo.

Ayon pa sa ulat, 603 motorista ang hindi gumamit ng safety accessories tulad ng helmet at seatbelt. Bukod dito, 497 kaso ang kinasasangkutan ng mga motorsiklo, habang 127 ang naitalang uminom ng alak bago bumiyahe.

Binigyang-diin ng Department of Health (DOH) ang kahalagahan ng pagsunod sa mga panuntunan sa kaligtasan sa kalsada.

“Paalala sa ating mga motorista, huwag uminom ng alak bago magmaneho. Siguraduhing may sapat na tulog na hindi bababa sa pitong oras upang mapanatili ang konsentrasyon at mabilis na reaksyon,” ayon sa DOH.

Dagdag pa ng ahensya, laging gumamit ng helmet at seatbelt, sundin ang mga limitasyon sa bilis, at bigyang pansin ang mga traffic sign upang maiwasan ang aksidente sa kalsada.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *