Bahagyang tumaas ang pandaigdigang inaasahang antas ng inflation ngayong taon bunsod ng mga patakarang taripa ng Estados Unidos, ayon sa isang ulat na inilabas nitong Miyerkules ng Ifo Institute ng Alemanya.
Batay sa isinagawang survey ng Ifo Institute na nilahukan ng 1,489 economic experts mula sa 131 bansa, inaasahang aabot sa 4% ang global annual inflation rate ngayong 2025, bababa sa 3.9% pagsapit ng 2026, at magiging 3.8% naman sa 2028.
Ayon sa ulat ng Ifo, sa ilang piling bansa sa Europa, ito ang inaasahang inflation rate:
🇩🇪 Germany – 2.4%
🇦🇹 Austria – 2.9%
🇨🇭 Switzerland – 0.9%
Binigyang-diin ng Ifo na lalo itong tumaas sa North America, kasabay ng pagpapatupad ng panibagong taripa ng US.
Ayon kay Niklas Potrafke, isang researcher ng Ifo Institute:
“Kung ikukumpara sa nakaraang quarter, bahagyang tumaas ang inflation expectations.”
“Ang polisiya ng Amerika sa taripa ang pangunahing nagtutulak sa pagtaas ng inaasahang inflation sa maraming bansa. Sa Alemanya, may epekto rin ang bagong pampublikong utang sa inaasahang inflation rate.”
Patuloy na binabantayan ng mga eksperto ang mga galaw sa ekonomiya sa pandaigdigang antas, habang sinisikap ng mga bansa na mapanatili ang katatagan ng kanilang ekonomiya sa gitna ng mga pandaigdigang hamon.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

