DOH Nagbigay Babala Ukol sa Panganib ng Ashfall mula sa Bulkang Kanlaon

DOH Nagbigay Babala Ukol sa Panganib ng Ashfall mula sa Bulkang Kanlaon

Nagbigay ng babala ang Department of Health (DOH) noong Martes sa mga residente ng Negros Island, partikular sa mga komunidad malapit sa Kanlaon Volcano, ukol sa mga posibleng epekto ng ashfall sa kanilang kalusugan.

Ayon sa DOH, ang volcanic ash ay binubuo ng mga pinong “maliit na partikulo” na maaaring pumasok sa baga. “May ilang barangay na malapit sa Kanlaon na apektado na ng ashfall ayon sa DOST-Phivolcs,” pahayag ng ahensya sa kanilang advisory.

Pinayuhan ng DOH ang mga residente sa mga apektadong lugar na magsuot ng N95 face mask, safety goggles, at mga long sleeves at pantalon upang protektahan ang kanilang ilong, mata, at balat mula sa panganib na dulot ng ashfall.

Hinihikayat din ang mga residente na agad makipag-ugnayan sa DOH kung kinakailangan nila ng medikal na atensyon. “Nakaantabay ang aming emergency team sa inyong mga pangangailangan,” sinabi ng DOH.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *