DA, Naghanda ng P164.27 Milyong Ayuda sa mga Magsasakang Nasalanta ng Bagyong Julian

DA, Naghanda ng P164.27 Milyong Ayuda sa mga Magsasakang Nasalanta ng Bagyong Julian

Inihanda ng Department of Agriculture (DA) ang P164.27 milyon halaga ng mga agricultural inputs na ipapamahagi sa mga lugar na matinding naapektuhan ng Super Typhoon Julian. Ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Operations Center nitong Huwebes ng gabi, kabilang sa mga tulong ang pre-position ng mga binhi ng palay, mais, at gulay.

Ayon sa DA, mayroong hanggang P25,000 na pwedeng utangin sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) na walang interes at maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon. Bukod dito, ang mga magsasakang apektado na insured ay makakatanggap ng indemnification mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Sa kasalukuyan, aabot na sa 20,134 na mga magsasaka mula sa Central Luzon, Cagayan, at Ilocos regions ang naapektuhan. Umabot naman sa 19,151 metric tons (MT) ng nasirang pananim ang naitala, na may kabuuang halaga na P481.27 milyon. Pinakamalaki ang pinsalang idinulot sa sektor ng palay na may 17,585 MT, na nagkakahalaga ng P348.42 milyon.

Ayon sa mga ulat, ang Ilocos Norte ang isa sa pinaka-matinding naapektuhan. Sumunod naman ang mga pinsala sa irrigation facilities sa Cagayan, Isabela, at Ilocos Norte na umabot sa P92.68 milyon; sa industriya ng mais na umabot sa P35.75 milyon; sa high-value crops na P3.96 milyon; at sa livestock at poultry na P472,550.

Patuloy ang pagsasagawa ng validation at assessment ng DA-DRRM habang dumadating ang mga ulat mula sa iba pang mga rehiyon.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *