Bagyo at Pag-ulan: Tatlong Weather Systems, Magdadala ng Ulan sa Ilang Lugar ng Pilipinas

Bagyo at Pag-ulan: Tatlong Weather Systems, Magdadala ng Ulan sa Ilang Lugar ng Pilipinas

Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Miyerkules na asahan ang pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa tatlong sistema ng panahon.

Ayon sa PAGASA, ang shear line ang magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan at panaka-nakang pagkidlat at pagkulog sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Samantala, ang easterlies naman ang magiging sanhi ng pag-ulan at pagkidlat sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur. Babala ng PAGASA, posibleng makaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang mga nasabing lugar na maaaring magdulot ng flash floods o landslides.

Ang northeast monsoon o “amihan” naman ang magdadala ng mahihinang pag-ulan sa Cagayan Valley, Aurora, at Quezon, habang mararanasan din ang panaka-nakang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Luzon.

Sa natitirang bahagi ng bansa, inaasahan ang isolated rain showers o thunderstorms na dulot ng easterlies.

Dagdag pa ng PAGASA, magiging katamtaman hanggang malakas ang hangin sa hilaga at gitnang Luzon, kaya asahan ang moderate to rough seas sa mga nasabing lugar.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *