AFP, Pinabulaanan ang Balitang Hindi Aprobado ang PHP350 Subsistence Allowance ng mga Sundalo

AFP, Pinabulaanan ang Balitang Hindi Aprobado ang PHP350 Subsistence Allowance ng mga Sundalo

Mariing itinanggi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga kumakalat na ulat na hindi umano naaprubahan ang dagdag na PHP350 arawang subsistence allowance para sa lahat ng tauhan ng militar.

“Salungat sa mga maling balitang ito, ang PHP350 na dagdag sa arawang subsistence allowance ay matagumpay na naisama sa aprubadong 2025 General Appropriations Act,” ayon sa opisyal na pahayag ng AFP sa kanilang Facebook post nitong Miyerkules.

Mula sa dating PHP150 kada araw na itinakda para sa pagkain at iba pang pangangailangan, tataas na ito sa PHP350, na makikinabang ang tinatayang 150,000 na sundalo sa buong bansa.

Ayon sa AFP, ang pondong inilaan para sa dagdag na allowance ay patunay ng patuloy na suporta at dedikasyon ng pamahalaan sa kapakanan ng mga sundalong Pilipino.

“Mananatiling tapat ang AFP sa pangangalaga sa kapakanan ng ating mga sundalo at patuloy naming ipaglalaban ang kanilang mga pangangailangan. Hinihiling din namin ang pang-unawa at pakikiisa ng publiko upang labanan ang pagkalat ng maling impormasyon,” dagdag pa ng AFP.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *