Umabot sa kabuuang 214 katao ang naaresto dahil sa iba’t ibang kaso sa pinaigting na linggong operasyon kontra droga at kriminalidad sa Quezon City mula Enero 19 hanggang 25.

Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) acting director Col. Melecio Buslig Jr. na ang serye ng mga operasyon ay nagresulta sa pagkakahuli ng 64 na wanted persons, 69 na illegal gamblers, 77 drug suspects, at apat na indibidwal na may dalang iligal na baril.

Sa loob ng nasabing panahon, isinagawa ang 48 anti-drug operations na nagresulta sa pagkakahuli ng 77 drug suspects at pagkakakumpiska ng PHP2.36 milyon halaga ng iligal na droga.

Para naman sa kampanya laban sa mga wanted persons, naaresto ang 64 indibidwal, kung saan 32 ang itinuturing na most wanted, ayon kay Buslig.

Sa kampanya laban sa illegal gambling, may kabuuang 28 operasyon ang naisagawa na nagresulta sa pagkakahuli ng 69 na sugarol at pagkakakumpiska ng PHP26,307 na bet money.

Patuloy ang QCPD sa kanilang masidhing kampanya upang masugpo ang ilegal na droga, ilegal na pagsusugal, at iba pang krimen sa lungsod, at hinikayat nila ang publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga kahina-hinalang aktibidad.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *