Isang nagtapos mula sa University of Santo Tomas (UST) ang nakapagtamo ng pinakamataas na marka sa katatapos lang na medical technologists licensure examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC).
Ayon sa PRC, 3,872 sa 5,574 na kumuha ng pagsusulit ang nakapasa, na isinagawa ng Board of Medical Technology sa mga test centers sa Metro Manila, Baguio, Cebu, at Davao.
Si Riana Beatriz Tungol Siron ng UST ang nakakuha ng pinakamataas na marka na 92.30%. Samantala, ang Saint Louis University (SLU) ang nangungunang eskwelahan sa pagsusulit na may 50 o higit pang examinees, kung saan 83 sa 87 test takers ang pumasa, na may passing rate na 95.40%. Malapit namang pumangalawa ang UST na may passing rate na 95.26%, kung saan 342 sa 359 test takers ang nakapasa.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts https://www.facebook.com/PwersaBalita/. www.youtube.com/@pwersabalita https://x.com/PwersaBalita. https://www.tiktok.com/@pwersabalita https://www.instagram.com/pwersabalita/. https://www.threads.net/@pwersabalita

