Tagumpay ng Japan sa Pagpuksa ng ‘Predator’ Mongoose sa Amami-Oshima Island

Tagumpay ng Japan sa Pagpuksa ng ‘Predator’ Mongoose sa Amami-Oshima Island

Matagumpay na idineklara ng Japan ang ganap na pagpuksa ng “predator” mongoose sa Amami-Oshima Island, isang UNESCO Natural World Heritage site. Ang mga dayuhang mammal na ito ay ipinakilala sa isla noong dekada 1970.

Ayon sa ulat ng NHK, nagsimula ang eradication process ng mongoose noong 2005. Nitong Martes, nagtipon ang mga eksperto upang suriin ang progreso. Iniulat ng mga awtoridad na wala nang nahuling mongoose sa nakalipas na anim na taon, at wala ring nakita sa mga motion sensor cameras na nakalagay sa 579 na lokasyon sa buong isla.

Ang mongoose ay unang dinala sa Amami-Oshima Island noong 1979 upang kontrolin ang populasyon ng mga makamandag na lokal na ahas. Ngunit, nagsimula itong maging banta sa mga bihirang uri ng hayop sa isla, kabilang ang Amami rabbit. Ayon sa mga eksperto, malaki ang posibilidad na tuluyan nang napuksa ang mongoose sa lugar.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *