Mas pinalalakas pa ng Pilipinas at Pransya ang kanilang ugnayan sa depensa at bilateral cooperation matapos ang pagbisita ni French Joint Commander for Asia Pacific Rear Admiral Guillaume Pinget kay Lt. Gen. Jimmy Larida, pansamantalang hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa Camp Aguinaldo nitong Huwebes.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ng AFP ang kahalagahan ng pagpapatibay sa defense partnership sa pamamagitan ng iba’t ibang inisyatiba tulad ng pinaplanong bilateral activities, pagpapalakas ng modernisasyon, at pagpapalitan ng kaalaman sa pagsasanay upang mapahusay ang operational readiness ng dalawang bansa.
MATIBAY NA KOOPERASYON PARA SA REGIONAL SECURITY
Ayon sa AFP, ang pagbisita ni Pinget ay nagpapakita ng pagtutok ng militar ng Pilipinas sa pagpapatibay ng relasyon nito sa mga kaalyadong bansa upang masigurong matibay ang seguridad at katatagan sa rehiyon.
Bukod dito, ang pagpapatibay ng ugnayan sa Pransya ay bahagi rin ng mas malawakang layunin ng Pilipinas na palakasin ang regional stability at defense cooperation.
Ayon sa Department of National Defense (DND), ang Pransya ay isa sa tatlong bansang kausap ng Pilipinas kaugnay sa posibleng pagpirma ng Reciprocal Access Agreement (RAA). Ang iba pang bansa ay Canada at New Zealand.
Ang nasabing kasunduan ay magpapalakas ng interoperability o ang kakayahan ng militar ng bawat bansa na magtulungan at magkaisa sa operasyon.
—
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:
🔹 Facebook
🔹 YouTube
🔹 X/Twitter
🔹 TikTok
🔹 Instagram
🔹 Threads

