Pamilya Marcos, Nagpahayag ng Suporta at Pagmamahal kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kanyang Ika-67 Kaarawan

Pamilya Marcos, Nagpahayag ng Suporta at Pagmamahal kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kanyang Ika-67 Kaarawan

Nagpaabot ng kanilang pagmamahal at suporta ang Pamilya Marcos kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagdiriwang ng kanyang ika-67 kaarawan noong Biyernes. Sa pamamagitan ng isang vlog na ini-upload sa opisyal na Facebook page ni Marcos, ibinahagi ng kanyang mga anak na sina Sandro, Joseph Simon, at William Vincent ang kanilang mga alaala at mga aral na nakuha mula sa kanilang ama.

Ayon kay Sandro, Senior House Deputy Majority Leader at kinatawan ng Ilocos Norte 1st District, malaki ang respeto niya sa kanyang ama at patuloy siyang natututo mula rito. Aniya, ang pinakamagandang payo na natanggap niya mula sa pangulo ay ang “huwag mag-panic kapag may problema.” Nagbigay din siya ng taos-pusong pagbati, “Pa, Maligayang Kaarawan. Mahal na mahal ka namin at palagi kaming nasa likod mo, 100 porsyento. Love you.”

Ibinahagi naman ni Joseph Simon na nagulat siya nang malaman na hindi talaga nais ng kanilang ama na pasukin ang pulitika, at mas gusto sana nitong mag-aral ng Matematika at Pisika o kaya maging isang rockstar. Bagama’t aminado siyang hindi niya kinakaiinggitan ang trabaho ng kanyang ama dahil sa bigat ng responsibilidad, labis pa rin ang kanyang respeto sa lahat ng ginagawa nito.

Si William Vincent, ang bunsong anak ni Marcos, ay naniniwalang ang kanyang ama ang pinaka-kwalipikadong mamuno sa bansa. “Bilang presidente, masaya ako na siya ang namumuno sa ating bansa, lalo na sa aspeto ng ekonomiya at politika,” sabi ni William. Dagdag pa niya, sana ay magkaroon ng mas maraming libreng oras ang kanilang ama upang makasama ang pamilya.

Sa isang hiwalay na post sa Facebook, binati naman ni Unang Ginang Liza Araneta-Marcos ang kanyang asawa, na inilarawan niyang may “pinakamalambot at pinakabait na puso.” Aniya, “I’m so proud of everything you’ve accomplished, and through it all, you’ve remained the same tender-hearted, compassionate person who first captured my heart. I love you to the moon and back, and I always will.”

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *