MAYNILA — Isang suwerteng mananaya mula sa Metro Manila ang nakakuha ng jackpot prize na umaabot sa ₱21.7 milyon sa MegaLotto 6/45 draw nitong Miyerkules, ayon sa anunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Huwebes.
Ayon sa PCSO, ang winning ticket ay binili sa Project 7, Quezon City, na may kombinasyong 42-28-04-29-10-30.
Ang masuwerteng nanalo ay may isang taon para i-claim ang premyo na eksaktong nagkakahalaga ng ₱21,749,042.20, na kailangang kunin sa PCSO Main Office sa Mandaluyong City. Alinsunod sa batas, may 20% buwis ang naturang halagang mapapanalunan.
Para makuha ang premyo, kailangan lamang iprisinta ng nanalo ang orihinal na winning ticket at dalawang valid ID.
Bukod sa jackpot winner, 44 na bettors ang nanalo ng tig-₱32,000 sa pagkakatugma ng lima sa anim na numero. Samantala, 1,809 na mananaya ang tatanggap ng ₱1,000 bawat isa sa pagkakatugma ng apat na numero, habang 27,610 na iba pa ay may tig-₱30 para sa tatlong tamang numero.
Pinaalalahanan ng PCSO ang publiko na ang MegaLotto 6/45 ay isinasagawa tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes.
Nanawagan din ang PCSO sa mga kababayan na patuloy na suportahan ang kanilang mga palaro, dahil ang bahagi ng kita nito ay ginagamit sa mga proyektong pangkalusugan, serbisyong medikal, at iba pang kawanggawa sa bansa.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman — kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
🌐 Facebook
📺 YouTube
🐦 X (Twitter)
🎵 TikTok
📸 Instagram
🧵 Threads

