https://files01.pna.gov.ph/category-list/2025/04/10/bjmp-fetes-4-jail-officers.jpg

https://files01.pna.gov.ph/category-list/2025/04/10/bjmp-fetes-4-jail-officers.jpg

Pinarangalan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang apat nitong tauhan matapos nilang matagumpay na pigilan ang tangkang pagdukot sa isang hinihinalang lider ng sindikato mula sa China sa lungsod ng Parañaque.

Ginawaran ni BJMP Chief Jail Director Ruel Rivera ng Medalya ng Sugatang Magiting at Medalya ng Kagalingan ang mga jail officers na nagpakita ng katapangan sa insidente noong Abril 7, habang binabalik si Hu Yang sa kanyang piitan mula sa Makati Regional Trial Court sakay ng BJMP transport vehicle na bumabaybay sa service road ng Cavite Expressway (CAVITEX).

Bigla umanong inatake ng mga armadong lalaki ang convoy ng BJMP. Agad na gumanti ng putok ang mga tauhan ng BJMP na naging dahilan para umatras ang mga suspek at mabigong maisakatuparan ang kanilang plano. Nailigtas at naibalik ng ligtas si Hu Yang sa kanyang detention facility.

Ayon kay Rivera,

“Ang kanilang mabilis at mahusay na tugon ay sumasalamin ng kanilang katapangan, propesyonalismo, at tunay na serbisyo publiko.”

Isa sa mga sasakyang sinakyan ng mga tumatakas na suspek ang bumangga sa puno, dahilan upang magsitakbuhan ang mga ito patungo sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park. Sa tulong ng mga tauhan ng SWAT, anim sa mga suspek ang naaresto.

Naaresto sina:

  • James Bales Lasam, 28

  • Jerom Pascua Salvador, 31

  • Jerry Calino Escalde, 30

  • John Paul Chua, 51

  • Yang Yang Shin at Wang Hongjie – parehong Chinese nationals

Narekober mula sa mga suspek ang isang replica grenade, mga dolyar, isang .357 Magnum na baril, mga bala at fired cartridge case, at hinihinalang ilegal na droga at drug paraphernalia.

Si Jail Officer 2 Leif Joseph Talanquines ay tinamaan ng bala sa kaliwang balikat at dinala sa Ospital ng Parañaque. Ang iba pang jail officers ay ligtas at kasalukuyang binibigyan ng suporta ng ahensya.

Pinuri naman ni NCRPO Director Maj. Gen. Anthony Aberin ang Parañaque police at SWAT sa mabilis na aksyon sa insidente. Ayon kay Aberin, si Hu Yang ay hinihinalang lider ng isang sindikatong sangkot sa kidnapping, car theft, extortion, at gun-running. Naaresto si Hu sa Parañaque noong nakaraang taon at may kaso rin umano sa China kaugnay ng kidnapping.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *