Sinimulan na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pagpapatayo ng dalawang malalaking housing projects sa Mindanao, matapos ang matagumpay na groundbreaking nitong nakaraang Sabado at Linggo sa Zamboanga City at Surigao del Norte. Pinangunahan ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang seremonya at inspeksyon ng mga proyektong ito sa Barangay Salaan at Barangay Layuhan sa Zamboanga City, at sa Barangay Osmeña sa Siargao.
Ayon kay Secretary Acuzar, inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyang-pansin ang Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) program upang matulungan ang mga mahihirap na Pilipinong nagnanais magkaroon ng sariling tahanan. Layunin ng DHSUD na makapagpatayo ng 25,000 housing units sa Zamboanga City bilang bahagi ng 4PH program. Bukod dito, may proyekto rin ang National Housing Authority (NHA) na nakalaan para sa mga Badjao sa Barangay Kasanyangan, Zamboanga City.
Dagdag pa ni Acuzar, ang utos ng Pangulo ay siguruhing lahat ng Pilipino ay magkaroon ng disenteng at ligtas na tirahan, bilang bahagi ng adbokasiya ng administrasyon para sa isang mas maunlad na pamayanan.
Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balitang dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:

