Bagong Kasunduan ng Pilipinas at Singapore: Pagpapatibay ng Ugnayang Bilateral para sa Kalusugan at Kalikasan

Bagong Kasunduan ng Pilipinas at Singapore: Pagpapatibay ng Ugnayang Bilateral para sa Kalusugan at Kalikasan

Pinaigting ng Pilipinas at Singapore ang mahigit limang dekadang bilateral na ugnayan sa pamamagitan ng paglagda ng mga bagong kasunduan noong Huwebes, kabilang ang pag-deploy ng mga Filipino healthcare workers at pagtugon sa isyu ng pagbabago ng klima.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Pangulong Tharman Shanmugaratnam ng Singapore ang pagpalitan ng mga dokumento sa Malacañang, bilang bahagi ng tatlong araw na state visit ng Singaporean leader sa Pilipinas.

Isa sa mga kasunduan na nilagdaan ay ang Memorandum of Understanding (MOU) patungkol sa pag-recruit ng mga Filipino healthcare workers. Ayon kay Marcos, matindi ang naging pagtutulungan ng mga health agencies ng dalawang bansa upang tiyakin ang balanseng pangangailangan ng sektor ng kalusugan sa parehong bansa, kasabay ng personal na pag-unlad at paglago ng mga manggagawang Filipino.

“Sa pamamagitan ng MOU na ito, ipinapahayag natin ang ating tiwala sa legal at judicial system ng Singapore, na magtitiyak sa karapatan, kapakanan, at kagalingan ng ating mga kababayang OFWs habang isinusulong nila ang kanilang mga karera sa Singapore,” pahayag ni Marcos.

Isa pang MOU ang pormal na nilagdaan ukol sa Pakikipagtulungan sa Carbon Credits sa ilalim ng Artikulo 6 ng Paris Agreement. “Sa tulong ng memorandum na ito, inaasahan nating mahihikayat ang mga industriya at indibidwal na aktibong bawasan ang kanilang carbon footprint, habang magbibigay-daan ito sa pamahalaan na makapaghikayat ng mga pondo upang mapalakas ang fiscal space,” dagdag pa ni Marcos.

Ibinahagi rin ng Pangulo na may mga karagdagang kasunduan pang isinasagawa sa pagitan ng Pilipinas at Singapore, tulad ng sa sektor ng kalusugan, upang matiyak ang reintegrasyon ng mga Filipino healthcare workers na matatapos na ang kontrata sa ekonomiya ng Pilipinas.

Inaasahan din ang kasunduan sa pagitan ng mga lokal na pamahalaan ng Pilipinas at mga pribadong sektor ng Singapore, ayon kay Marcos.

Nagsimula ang ugnayan nina Marcos at Tharman noong Mayo sa Asia’s premier 2024 IISS Shangri-La Dialogue. Ang pagbisita ng Singaporean leader ay alinsunod sa imbitasyon ni Marcos.

Itinatag ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas at Singapore noong Mayo 16, 1969.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman. Kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin ang aming mga social media accounts:
Facebook
YouTube
X
TikTok
Instagram
Threads.

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *