Inilabas na ng Toyota Motor Philippines ang mga detalye ng bagong henerasyon ng Tamaraw, na magkakaroon ng iba’t ibang mga variant. “Ngayong 2024, muling magbabalik ang isang tunay na road icon upang ipagpatuloy ang pagsulong ng mobility para sa lahat ng Pilipino,” ayon kay Masando Hashimoto, presidente ng Toyota Motor Philippines.

“Ikinararangal naming ipakilala ang Next Generation Tamaraw. Isang matibay at mapagkakatiwalaang kasama na nagbigay ng malaking pagbabago sa buhay ng marami, ang Tamaraw ay muling magsisilbing katuwang ng mga Pilipino sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyan,” dagdag ni Hashimoto.

Ang bagong Tamaraw ay magkakaroon ng iba’t ibang variant na akma sa iba’t ibang pangangailangan sa pagmamaneho, maging sa trabaho o sa libangan. Ayon sa Toyota, ito ay may muling dinevelop na IMV platform, isang simple at block-like na disenyo na “madaling i-convert at gamitin,” at madali ring panatilihin.

“Anumang porma o anyo, makasisiguro kang mabusisi itong dinevelop para may lakas, tibay, at diskarte na bagay na katuwang sa buhay at negosyo,” ayon sa Toyota.

Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman kami ang Pwersa Balita! Bisitahin rin aming mga social media accounts https://www.facebook.com/PwersaBalita/. www.youtube.com/@pwersabalita https://x.com/PwersaBalita. https://www.tiktok.com/@pwersabalita https://www.instagram.com/pwersabalita/. https://www.threads.net/@pwersabalita

 

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *