Kumpirmado ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa na namang nawawalang Pilipino ang nasawi matapos ang malakas na lindol sa Myanmar noong Marso 28.

Ayon sa DFA nitong Huwebes, positibong nakilala ang labi ng ikalawang biktimang Pilipino mula sa gumuhong Sky Villa condominium sa Mandalay, Myanmar. Tumanggi ang DFA na magbigay ng karagdagang detalye kaugnay sa pagkakakilanlan ng nasawi bilang respeto sa kahilingan ng pamilya.

Ang biktima ay isa sa apat na Pilipinong napaulat na nawawala matapos yumanig ang bansa ng 7.7 magnitude na lindol.

Ayon sa DFA, “Naabisuhan na ang pamilya ng nasawing Pilipino. Nakiusap sila na igalang ang kanilang pribadong oras ng pagluluksa.”

Sa ngayon, dalawa pa ang nananatiling nawawala, habang patuloy ang paghahanap at pag-asang sila ay matagpuan ng ligtas.

Matatandaang nitong Miyerkules, kinumpirma rin ng DFA ang pagkakakilanlan sa labi ni Francis Aragon, ang unang Pilipinong nasawi sa nasabing sakuna.


Laging nakatutok sa Pwersa Balita para sa mga balita na dapat mong malaman! Kami ang Pwersa Balita!
Bisitahin rin aming mga social media accounts:
Facebook | YouTube | X | TikTok | Instagram | Threads

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *